POC-PSC batang pinoy Visayas leg Cebu namayagpag sa dancesport
TACLOBAN City , Philippines – Sinapawan ng Cebu City ang lahat matapos angkinin ang 35 sa nakatayang 36 gold medals sa dancesports para mamayagpag sa Philippine Oympic Committee-Philippine Sports Commission Batang Pinoy 2012 Visayas leg dito kahapon.
Ang dominasyon ng Cebu sa dancesports na ginanap sa Leyte National High School ay nagsulong sa kanila sa 70 golds, 56 silvers at 54 bronzes.
Ang dancesports, tulad ng girls softball at weightlifting ay National finals na habang ang ibang sport ay qualifying lamang para sa National finals.
Ang mga gold at silver medalists dito tulad sa mga naunang apat na leg ay papasok sa Iloilo City championships na gaganapin sa Dec. 5-9.
Ang Leyte Province na kinatawan ng Leyte Sports Academy-Smart ay tumapos na may 39 golds, 26 silvers at 27 bronzes, kabilang ang 32 golds mula sa track and field kung saan ginulantang nila ang mga malalakas na Western at Central Visayas para sa ikalawang puwesto overall.
Pumangatlo ang Bacolod City sa kanilang 32-22-20 gold-silver-bronze medals na pinangunahan ng kanilng girls swimming team sa pamumuno ni Remselle Limaco at Kyla Isabelle Mabus na komopo ng tig-anim na six gold medals.
- Latest