^

PM Sports

Miami iniligtas ni Allen

Pang-masa

MIAMI -- Naiwanan ng pitong puntos sa huling 2 minuto sa laro, isinalpak ni Ray Allen ang isang three-point shot sa natitirang 18.2 segundo mula sa pasa ni Le-Bron James na tampok sa 9-0 atake ng Miami Heat patungo sa kanilang 110-108 pananaig kontra sa Cleveland Cavaliers.

Nakuha ng Miami ang kalamangan sa hu-ling 2 minuto at 29 segundo bago maagaw ng Cleveland ang 108-101 bentahe sa 1:58 minuto.

“It speaks to the competitive will that the guys have at the end of close games,’’ sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. “We have a lot of gamers in that locker room. They rise to the occasion. They want situations like that. That can be dangerous, as well.’’

Tumapos si James na may 30 points para sa Heat, habang may 23 si Chris Bosh, 18 si Dwyane Wade at 17 si Allen, humugot ng 15 markers sa fourth quarter.

Hindi na nakabalik si Shane Battier para sa Miami matapos mapuwersa ang kanang tuhod nito sa third period.

Umiskor naman sina Jeremy Pargo at Dion Waiters ng tig-16 points para sa Cleveland, nakahugot ng 15 kay Omri Casspi, 13 kay Tristan Thompson at 12 kay Alonzo Gee.

Sa Philadelphia, tumipa si Kevin Durant ng 37 points, samantalang may 30 si Russell Westbrook para tulungan ang Oklahoma City Thunder sa 116-109 overtime win laban sa Philadelphia 76ers.

Nag-ambag si Serge Ibaka ng 18 points para sa defending Western Conference champions na nanalo ng siyam sa kanilang huling 11 laro.

Naimintis ng Oklahoma ang kanilang huling pitong tira sa regulation subalit nakakuha naman ng mahahalagang three-pointers mula sa iba’t ibang players sa extension period.

 

vuukle comment

ALONZO GEE

CHRIS BOSH

CLEVELAND CAVALIERS

DION WAITERS

DWYANE WADE

ERIK SPOELSTRA

JEREMY PARGO

KEVIN DURANT

LE-BRON JAMES

MIAMI HEAT

OKLAHOMA CITY THUNDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with