^

PM Sports

Cebu City gumawa ng ingay sa Visayas leg ng Batang Pinoy

Pang-masa

TACLOBAN CITY, Philippines – Ma­tapos ang ilang araw na pananahimik, nag­-ingay ang Cebu Ci­ty matapos manguna sa com­bat sports sa kabila ng patuloy na pamumu­no ng host Leyte Sports Aca­demy-Smart Saturday sa Visayas leg ng Philippine Olympic Committee-Phi­lippine Sports Commission Batang Pinoy 2012.

Kumuha ng mga gintong medalya ang Cebu Ci­ty sa karatedo, taek­wondo at arnis events.

Humakot ang Cebu Ci­ty ng 28 gold, 22 silver at 25 bronze medals sa qualifying leg para sa Na­tional Finals sa Dis­yembre sa Iloilo City.

Sa kabila nito, hawak pa rin ng LSA-Smart, nag­­domina sa track and field competitions, ang li­derato sa likod ng kani­lang 34-22-22 tally ka­su­nod ang Bacolod City na may 32-22-20 at Negros Occidental na kumolekta ng 27-13-13.

Pumitas rin ang Cebu Ci­ty ng mga ginto sa chess competitions sa Go­vernors Hall.

Sa taekwondo, hu­mab­lot ang Cebu City ng pi­tong gold medals.

Ilang siyudad sa Cebu ang nagbulsa ng ginto sa ka­ratedo kung saan sa ka­buuang 11 gold medals ay lima ang sinikwat ng Ce­bu City kasunod ang tig-tatlo ng Mandaue at Lapu Lapu City.

Sa arnis, pitong ginto ang inihataw ng Cebu Ci­ty kasama na ang mga pa­nalo nina Mika Grava sa girls pinweight full con­tact, Ronilo Lumantad sa boys flyweight, James In­dig sa boys bantweight at Luke Placyd Galon sa boys lightweight.

 

vuukle comment

BACOLOD CITY

CEBU

CEBU CI

CEBU CITY

ILOILO CITY

JAMES IN

LAPU LAPU CITY

LEYTE SPORTS ACA

LUKE PLACYD GALON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with