^

PM Sports

Ang matayog na pangarap ni Japeth

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Dapat naman sigurong no-brainer na kay Japeth Aguilar ang pagpili sa kanyang patutunguhan sa mga susunod na araw – ang bumalik sa Pilipinas at maglaro sa Talk ‘N Text habang nagbibigay serbisyo rin sa Smart Gilas Pilipinas o manatili sa US upang magsilbing practice player lamang ng isang US NBA D-League team.

Ito ang hinaharap ngayon ni Japeth matapos i-waive na ng Santa Cruz Warriors.

‘Di lumusot si Japeth para mapasama sa roster ng Santa Cruz Warriors sa parating na bagong D-League season. Ngunit may offer si coach Nate Bjorkgren kay Japeth para maging practice player.

Ayon sa Manila-based agent ni Japeth na si Marvin Espiritu, humingi ang manlalaro ng ilang araw upang pag-isipan ang offer ni Bjorkgren.

Hindi naman nga siguro masama kung patuloy pa ring habulin ni Japeth ang kanyang American dream. Ngunit baka mas mabuting pakinggan ni Japeth ang higher calling mula sa ating National team.

Patuloy na idinidiin ni Smart Gilas coach Chot Reyes na may naghihintay na slot sa National pool para kay Japeth.

In fact, nakasingit nga lang si JayR Reyes sa Gilas roster sa nakaraang Jones Cup at FIBA Asia Cup dahil pinili ni Japeth na lumipad sa US.

Lalong nagkapuwang si Japeth sa Gilas dahil sa ACL injury na sinapit ni Rico Villanueva.

Sa Talk ‘N Text, ilang beses na ring ipinahiwatig ni team manager Aboy Castro na may naghihintay din silang slot para kay Japeth.

May full consent ang Talk ‘N Text management sa paghahabol ni Japeth sa kanyang hangaring makalaro sa US.

“We would have wanted to have an intact lineup but, at the same time, we’re behind Japeth in his pursuit of his dream,” nasabi noon ni Talk ‘N Text team manager Aboy Castro. “We understand that at 25, this is the best time to do it. If not now, kailan pa? Maybe not anymore, unless he improves drastically in the next three years,” dagdag pa noon ni Castro.

Ngunit ‘di nga nasungkit ni Japeth ang kanyang pa-ngarap. Magse-settle ba siya sa taguring D-League practice player? O babalik dito sa Pinas para muling magsuot ng National jersey?

Para sa akin, mukhang ‘di mahirap isipin kung alin ang mas marangal at kapuri-puri.

 

ABOY CASTRO

ASIA CUP

CHOT REYES

D-LEAGUE

JAPETH

JAPETH AGUILAR

JONES CUP

N TEXT

NGUNIT

SANTA CRUZ WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with