Terrible Marvin nakondisyon
MANILA, Philippines - Nakondisyon ang Terrible Marvin sa huling takbo upang mapasaya ang mga nanalig sa kakayahan ng kabayo na isa sa mga kuminang noong Miyerkules ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Sa Class Division 1-A pa rin kumarera ang kabayong nirendahan ni jockey CM Pilapil na buong dumating sa hanay ng siyam na naglaban sa 1,300m distansya.
Ito ang ikalawang takbo ng tambalan nitong Nobyembre at bumawi ang Terrible Marvin sa pangalawang puwestong pagtatapos noong Nobyembre 8 matapos ta-lunin ang Deputy Jazz.
Bagama’t maganda ang naipakita sa huling takbo ay hindi napansin ang Terrible Marvin dahil sa pag-lahok ng iba pang matutuling kabayo tulad ng Big Pocket at Silver Ridge na bumaba ng dibisyon.
Pero sapat lamang ang lakas ng dalawa na tumapos sa ikatlo at ikaapat na puwesto.
Lumabas bilang pinaka-dehado sa gabi ang Terrible Marvin para makapaghatid ng P51.50 sa win habang ang 8-5 forecast ay nagpasok ng P87.50 dibidendo.
Nagpasikat din ang ka-bayong Whenitrainsitpours matapos hirangin bilang pinakaliyamadong kabayo na nagwagi sa ikatlong gabi sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc.
Isang Special Handicap (2) race sa 1,300m distansya ang sinuong ng kabayong hawak ni jockey Mark Alvarez na sa huling karera ay nalagay lamang sa ikapitong puwesto.
- Latest