^

PM Sports

Si Evans ang kauna-unahang napagmulta dahil sa flopping

Pang-masa

NEW YORK – Si Brooklyn Nets forward Reggie Evans  ang naging unang player na pinagmulta ng NBA dahil sa flopping o ang tinatawag na pag-arte para makakuha ng foul matapos patawan ng  $5,000 multa dahil sa second offense.

Pinarusahan si Evans dahil sa pag-arte matapos ang light contact kay Metta World Peace ng Lakers noong Martes ng gabi kung saan muntik siyang bumangga sa referee na nakatayo sa sideline na hindi malayo sa kanya.

Nakatanggap si Evans ng warning nang bumagsak ito bagama’t wala namang masyadong contact sa pakikipag-agawan ng rebound sa laban kontra sa Boston noong Nov. 15.

Gumawa ang NBA ng bagong rules sa flopping ngayong season sa kanilang layunin na sawatain ang pag-arte ng mga players para makakuha ng foul.

Pagkatapos ng warning, magkakaroon ng $5,000 fine sa first offense na lumalaki ng $10,000, $15,000 at $30,000 sa mga susunod na offenses.

 

ARTE

DAHIL

EVANS

GUMAWA

METTA WORLD PEACE

NAKATANGGAP

PAGKATAPOS

PINARUSAHAN

REGGIE EVANS

SI BROOKLYN NETS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with