Gold sa Zamboanga weightlifter
TACLOBAN CITY, Philippines – Hindi ipinahiya ni Mary Flor Diaz ng Zamboanga City ang kanyang lahi nang kumuha ng gintong medalya sa weightlifting event ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commissioner Batang Pinoy 2012 Visayas leg kahapon sa Leyte Sports Development Center.
Bumuhat ang pinsan ni two-time Olympian Hidilyn Diaz ng mga bigat na 42 kg sa snatch, 55kg sa clean at 97 kg. sa jerk para ibulsa ang gold medal sa girls 40kg category sa weightlifting event na nagsisil-bing National finals.
Ito ang ikalawang ginto ng Zamboanga City matapos ang panalo ni Margareth Colonia sa girls above-44kg class na bumuhat ng 50-61-111.
Ang 13-anyos na high school sophomore ng Universidad de Zamboanga na si Diaz ay isang double gold medalist sa nakaraang Philippine National Games at silver winner sa Palarong Pambansa.
Dalawang ginto naman ang sinikwat ng Bohol mula kina Ma. Paula Lanit at Elien Rose Perez sa girls 36kg at girls 44kg, ayon sa pagkakasunod.
Sa athletics, siyam na ginto ang ki-nopo ng Leyte Sports Academy kung saan ang apat dito ay sa boys at girls relay events.
- Latest