Bacolod, Negros Occidental humataw agad sa swimming
TACLOBAN CITY, Philippines – Nanalo sina long distance runner Anton Bautista at long jumper Ailyn Tumbale sa kani-kanilang events para maging unang gold me-dalists sa torneo habang komopo ang Bacolod at Negros Occidental ng tig-siyam na golds sa swimming sa unang araw ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission Batang Pinoy 2012 Visayas leg sa Leyte Sports Development Center dito.
Namintina ng 14-gulang na pambato ng Aklan na si Bautista, high school sophomore sa Numancia Integrated School, ang kanyang distansiya at isa-isang nalagas ang kanyang mga kalaban para pangunahan ang boys 15-under 5,000-meter run sa tiyempong 18 minuto at 42.7 seconds.
Nakopo naman ng 13-gulang na si Tumbale ng Negros Occidental ang gold medal sa girls 13-under long jump sa kanyang nilundag na 4.65-meter para talunin ang 4.46 metro ni Ericka Kee ng Bacolod.
Sa kalapit na swimming pool, pinangunahan naman ang Bacolod ng magkapatid na sina Kyla Isabel (4-golds) at Vanessa Gayle Mabus (2-golds).
Tinapatan din ng Negros Occidental ang produksiyon ng Bacolod sa swimming competition sa pa-ngunguna ng kanilang 12-anyos na golden boy na si Dustin Marco Ong na nanalo sa boys 11-12 200m fly, 400m free, 200m free at 50m fly.
- Latest