^

PM Sports

Mainit ang New York, Memphis at LA Clippers

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Kung noong una sinasabing ang LA Lakers at ang Miami ang maglalaban sa NBA finals, baka nagbago na ang usapan ngayon.

Ang  defending NBA champion na Miami ay masasabi nating team-to-beat pa rin dahil sila ang nangunguna sa Southeast division sa  Eastern Conference sa pagbibida siyempre ng Big 3 nina LeBron James, Chris Bosh at Dwyane Wade.

Sa kaso ng Lakers, alam nating malakas sila dahil kina Dwight Howard, Kobe Bryant at Pau Gasol pero 4-5 pa lang ang kanilang record ngayon. Tignan natin kung ano ang magagawa ng kanilang bagong coach na si Mike D’Antoni.

Habang nakatutok ang lahat ang Miami at Lakers, umaarangkada naman ang New York, ang LA Clippers at ang Memphis…. Oo, ang Grizzlies na di pinapansin ng marami ang nangungunang team ngayon sa buong NBA sa kanilang 8-1 record kabilang ang limang sunod na panalo kung saan kasama sa tinalo nila ang Heat.

Ang Oklahoma City, alam natin na talagang palaban ‘yan matapos mag-runner-up sa Miami noong nakaraang season at intact ang kanilang team sa pangunguna nina Russell Westbrook at Kevin Durant.

Mahigpit na kalaban ng Memphis sa kasalukuyan sa Southeast division ang San Antonio na di nalalayo sa kanilang 8-2 record at patuloy na maganda ang ipinapakita.

Nasapawan na rin ng Clippers ang Lakers sa Pacific division taglay ang nangungunang 7-1 record.

Ang Knicks na sumibak kay D’ Antoni ay umarangkada sa ilalim ng kanilang bagong coach na si Mike Woodson para pangunahan ang Atlantic division sa 7-1 record.

Maganda rin ang itinatakbo ng Minnesota kahit wala sina Kevin Love at Ricky Rubio para sa 5-4 record.

Kakaiba sa inaasahan ang mga nangyayari ngayon sa NBA matapos ang ilang linggo pa lamang pero tignan natin kung ano ang magaganap sa mga susunod na linggo.

ANG KNICKS

ANG OKLAHOMA CITY

ANTONI

CHRIS BOSH

DWIGHT HOWARD

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE

KEVIN DURANT

KEVIN LOVE

KOBE BRYANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with