Japeth Aguilar nakalusot sa dalawang cut ng Sta. Cruz Warriors
MANILA, Philippines - Nalusutan ni Japeth Aguilar ang dalawang cuts ng Sta. Cruz Warriors – ang NBA D-League na koponan ng Golden State Warriors para sa team roster ng nalalapit na season na magsisimula sa susunod na linggo, ayon sa kanyang US-based Fil-American agent na si Chris McGarry.
Kasama si Aguilar at 11 iba pang Warriors sa dalawang preaseason games. Pipili ng final 10- players na bubuo ng team para sa season na ito na ihahayag sa susunod na linggo.
Kung makakasama dito ang dating Smart Gilas at Talk ‘N Text player ay siya ang magiging unang Pinoy player na makakalaro sa NBA D-League at may pag-asang makalaro sa NBA.
Pinakawalan na ng Warriors si guard Arron Mollet at forward Harouna Mutombo noong isang araw at tatlo pa ang nalagas kamakalawa na sina guard Darren Moore, forward T.J. Robinson at forward Steve Tchiengang matapos ang ikaapat na araw ng training camp sa Golden State Warriors training center sa Oakland.
Patungo ang team sa Texas para sa NBA D-League Pre-season Jamboree. Nakatakdang harapin ng Warriors ang Tulsa 66ers at Texas Legends.


Ayon kay Aguilar, nag-a-adjust pa siya sa D-League.

“There’s too many adjustments. Especially rules both offense and on defense and the height adjustment also,” ayon sa dating player ng Western Kentucky at Ateneo Blue Eagle.

Ang natural position ni Aguilar ay power forward ngunit pinapalaro siya ng tinatawag sa US na “hybrid power forward”.


“There’s something they call here as a ‘hybrid’ power forward. I don’t want to say I’ll give mismatch problems, but that’s the idea,” ani Aguilar.

“It’s difficult. It’s a tough battle for the roster spots. Only 10 players will be signed up,” dagdag ng dating PBA top overall pick.
- Latest