Schedule ng 2019 World Cup qualifiers binago ng FIBA para makaakit ng NBA players
GENEVA – Sisikapin ng FIBA na akitin ang mga NBA stars sa ilang World Cup qualifiers matapos lumikha ng bagong format para magkaroon ng mga laban sa kanilang sariling bansa.
Ang binagong format para sa 2019 World Cup ay ang pagkakaroon ng round-robin qualifying groups na lalaruin sa loob ng 14-buwan simula sa November 2017.
‘’Having the home and away games brings basketball back to the countries themselves,’’ sabi ni FIBA se-cretary general Patrick Baumann. ‘’Eventually this will benefit the whole sport around the world.’’
Ang U.S., na nag-host ng 2002 World Cup sa Indianapolis, ay garantisadong may anim na qualifiers sa bawat World Cup cycle.
Layunin ng FIBA na ma-schedule ang mga laban sa huling bahagi ng buwan ng Hunyo para hindi sumabay sa NBA playoffs.
- Latest