Nowitzki naiinip na sa paggaling ng kanyang tuhod
MANILA, Philippines - May mga atletang nadidisgrasya at naooperahan sa kaagahan ng kanilang career.
Ang iba dahil na rin sa katandaan kaya malapit sa injury at naooperahan.
Ang iba tulad ni Dirk Nowitzki, ay naging masu-werte. Sa kabuuan ng kanyang career, hindi siya nakatikim ng operasyon. Sa kanyang kabuuang 43,595 combined regular at postseason minutes, patuloy siyang naasahan ng Dallas na laging lumalaban para sa titulo.
At dahil dito, may kabayaran ito kay Nowitzki na sasailalim sa arthroscopic aurgery sa tuhod bago magtag-lagas sa Amerika.
Dahil siya ay competitor at madalas ay mas maga-ling kaysa sa kanyang kalaban, inaasahan ni Nowitzki na mabilis siyang gagaling. Ngunit hindi ito ang nangyayari.
Narito ang mga pahayag ni Nowitzki sa Dallas Morning News.
“Gotta admit, I’m already getting tired of rehab. It’s been three weeks. Obviously, that’s a lot of time for me watching,” pahayag ni Nowitzki. “At this point, gotta stay patient and do what the doctors and trainers tell me. Just keep rehabbing and see how long it is.”
- Latest