Aguilar may pag-asa sa NBA
MANILA, Philippines - Noong 2006, umalingawngaw ang usap-usapang pa-tuloy sa pagsikat ang isang Pinoy na si Japeth Aguilar na siguradong bubutata sa lahat ng titira sa kanyang harapan kaya lumipat ito sa Western Kentucky University.
Nang sumunod na taon, lumaro si Aguilar para sa Hilltoppers para maging unang player na ipinanganak sa Pinas na nakalaro sa NCAA Division I. At kahit hindi ito masyadong lumaro sa loob ng dalawang taon doon kung saan may average itong 6.4 minutes a game, lalong kumakalat ang pangalan ni Aguilar kaya umuwi ito sa Pinas at naging No. 1 pick noong 2009 Philippine Basketball Association Draft.


At 10-araw na ang nakakaraan nang maging seventh-round selection ng Santa Cruz Warriors si Aguilar, lalong nakalapit ito sa pagiging unang Filipino player sa NBA. Lalong umingay ang pangalan ni Aguilar.
Nasanay na sa atensiyon si Aguilar.
Para sa mga Pinoy na mahihilig sa basketball, mara-ming umaasa kay Aguilar. Ngunit para kay Aguilar, ayaw niyang magmadali, gusto niya lang gawin ang susunod na hakbang at may 10-araw siya para gawin ito.
May 10-araw siya para pasiklaban ang Santa Cruz Warriors coaching staff para makalaro sa opening night pagkatapos ay makakuha ng extension at sana ay makalaro sa NBA.
- Latest