Sa pag-eensayo ni Pacquiao sa Wild Card Roach laging nakabantay
MANILA, Philippines - Maski na nagtungo siya sa Las Vegas, Nevada noong Linggo ay alam pa rin ni chief trainer Freddie Roach ang ginagawa ni Manny Pacquiao sa kanyang Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.
“He’s doing great,” sabi ni Roach sa Filipino icon. “I’ve got great sparring so far. He boxed nine rounds and he did exactly what I wanted him to do; they sent me the tape and it went well.”
Bumiyahe si Roach sa Wynn Resort sa Las Vegas kung saan hinarap ng kanyang alagang si light middleweight contender Vanes Martirosyan kay Erislandy Lara na nauwi sa technical draw.
Matapos ito ay kaagad na bumalik sa California si Roach para asikasuhin ang kanilang training camp ni Pacquiao.
Nauna nang sinabi ng five-time Trainer of the Year awardee na kailangan nilang gumawa ng bagong estratehiya para tuluyan nang mapatahimik si Juan Manuel Marquez.
Sa 2-0-1 win-loss-draw ring record ni Pacquiao laban kay Marquez sa kanilang tatlong laban, naniniwala si Roach na dapat na nilang baguhin ang kanilang plano.
Sa ikatlong paghaharap nina Pacquiao at Marquez noong Nobyembre ng 2011, ilang beses sinadyang tapakan ng Mexican ang paa ng Filipino boxing superstar para makakonekta ng kanyang counterpunch.
Ito ang isa nilang pinag-aaralan.
Maglalaban ang 33-anyos na si Pacquiao at ang 39-anyos na si Marquez sa isang non-title, welterweight fight sa Disyembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas.
“Throw everything out the window and just fight this guy,” sabi ni Roach.
Samantala, sinabi ni strength and conditioning coach Alex Ariza na wala na siyang nakikitang problema sa kondisyon ng Filipino world eight-division champion.
“It’s really good, man,” sabi ni Ariza kay Pacquiao. “It’s like one of those things, it’s almost redundant, me saying ‘It’s a great camp, everything’s going well’. But it’s still early, talk to me in a few weeks.”
- Latest