McHale pansamantalang iniwan ang Rockets
HOUSTON -- Pansamantalang iniwanan ni head coach Kevin McHale ang Houston Rockets para ayusin ang problema sa kanyang pamilya.
Ito ang inihayag ng Houston kasabay ng pansamantalang pagtatalaga kay assistant coach Kelvin Sampson sa puwesto ni McHale.
Sinabi ni Sampson na tinawagan siya ni McHale noong Sabado at tinanong kung gusto niyang gabayan ang Rockets.
“Hopefully whatever the family matter is, it gets taken care of,” sabi ni Sampson. “That’s the most important thing.”
Wala pang katiyakan kung kailan magbabalik sa bench ng Houston ang second-year coach at Hall of Fame player.
Hindi naman nagbigay ng detalye si Rockets general manager Daryl Morey kaugnay sa sitwasyon ni McHale.
“Kevin is a devoted family man who is needed back home in Minnesota at the moment,” wika ni Morey. “The Rockets organization will keep Kevin and his family in our thoughts and prayers during this difficult time.”
Nakausap na ni Sampson ang mga players sa isang film session noong Sabado ng hapon para sa kanilang mga gagawing plays.
- Latest