Magiging handa si Pacquiao sa kanyang laban kay Marquez
MANILA, Philippines - Alam ni chief trainer Freddie Roach na pilit na iiwasan ng 39-anyos na si Juan Manuel Marquez ang mabibigat na suntok ng 33-anyos na si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa gabi ng kanilang ikaapat na paghaharap sa Disyembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ito ang dahilan kaya may inihandang bagong estratehiya sina Pacquiao at Roach bilang preparas-yon kay Marquez.
“We know @JMMarquez_1 is going to run. The key to@MannyPacquiao winning will be speed and the ability to cut off the ring,” wika ni Roach sa kanyang Twitter account matapos ang kanilang ensayo ni Pacquiao sa kanyang Wild Card Boxing Gym.
Sa kanyang sparring session, ikinatuwa ni Roach ang kanyang nakita kay Pacquiao.
“Good day of sparring. @MannyPacquiao wen 9 rds. He’s getting his timing and distance down,” sabi pa ni Roach sa kanyang Twitter.
Sinabi ni Pacquiao na hindi lamang ang bagong estratehiya ang dapat niyang matutuhan para sa kanilang banggaan ni Marquez.
“Hindi lang naman kasi kami magre-rely lang on strategies na gagamitin sa laban. Kailangan din matutuhan ang mga kilos to keep distance sa kalaban at makaiwas sa mga gagawin niya,” sabi ng Sarangani Congressman.
Maglalaban sina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa isang non-title, welterweight fight.
Makakasabayan ni Pacquiao sa kanyang sparring session sina Mexican Ray Beltran at Russians Ruslan Provodnikov at Vladimir Saurhankan.
- Latest