Jordan kumpiyansa sa pagbabago sa Bobcats
CHARLOTTE, N.C. -- Hindi na naitago ni Michael Jordan ang pagkadismaya sa naging kampanya ng Bobcats sa nakaraang season.
Ayaw ipaalam sa iba ang kanyang galit, mula sa dulo ng bench ay nagtungo na lamang ang Charlotte team owner sa kanyang luxury suite.
Ayon kay Jordan, malaking pagbabago ang kanyang gagawin sa Bobcats.
“Are we a playoff team? C’mon, we can’t expect that,” wika ni Jordan. “But we need to get the ball rolling in the right direction. I’m not real happy about the record book scenario last year. It’s very, very frustrating.”
Tinapos ng Charlotte ang nakaraang season bitbit ang 7-59 record na pinakamasamang marka sa kasaysayan ng NBA.
Naniniwala si Jordan, may anim na NBA titles para sa Chicago Bulls, na malaki ang maitutulong ng kanilang bagong coach na si Mike Dunlap.
“For years those steps have been skipped,” ani Jordan. “We don’t have a star that can carry the team, so you’ve got to learn to play together. That is what I love about (Dunlap). He’s going to get back to the basics with good passes, pivots, boxing out, running, taking care of the ball and taking good shots. All of the things that were lost.”
- Latest