^

PM Sports

Paboritong Penrith muntik masilat ng Game Changer

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinailangan ng mala­kas na pagtatapos ng ka­bayong Penrith upang hin­di masilat ng nakala­bang Game Changer sa 3YO Handicap Race 9 ka­hapon sa San Lazaro Lei­sure Park sa Carmona Ca­vite.

Unang karera ito sa bu­wan ng Nobyembre at muntik pang nasilat ang outstanding favo­rite  sa 1,400-metrong distan­-siyang tagisan nang bigyan ng matinding hamon ng Ga­me Changer na dinis­kartehan ni jockey EL Blancaflor.

Nauna rito ay naka­sa­lo pa ang Posse Left ni AR Villegas sa 3-horse race na nagkasukatan ma­tapos lamang buksan ang apa­rato.

Hanggang far turn ay mag­kakasabay halos ang tak­bo ng tatlong kabayo ba­go bumitiw ang Posse Left sa huling kurbada.

Sa rekta ay angat pa ang Game Changer ka­ya’t todo hataw at tulak ang ginawa ni jockey Jeff Za­rate sa Penrith.

Sa ka­butihang palad ay may ini­labas pa ang Penrith para ma­nalo ng isang dipa sa meta.

Naorasan ang Penrith ng 1:28 sa distansya ga­mit ang kuwartos na 13, 24’, 24’ at 26’.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng kaba­yong pag-aari ng dating Phil­racom commissioner Fe­lizardo 'Jun' Sevilla ma­tapos mangibabaw ang Triple Crown Championship veteran noong Oktubre 20 sa isang 1,500m distansyang tagisan.

Bilang outstanding favorite, ang win ng Penrith ay balik-taya na P5.00, ha­bang P17.50 pa ang ibi­nigay sa 5-2 forecast.

Ang Heart Summer ay tumapos sa ikatlo kahit na­bugaw sa alisan habang ang Posse Left at Isa Pa Isa Pa ang kumumpleto sa datingan ng limang ka­bayong naglaban.

Inangkin naman ng ka­bayong Sweet Mind ang taguri bilang unang kabayo na nanalo sa buwang kasalukuyan ma­ta­pos pangunahan ang 10-kabayo na 3YO Han­di­cap Race (03) na race one at pinaglabanan sa 1,400m layo.

Mahigit isang dipa ang inilayo ng Sweet Mind sa Hunter at nanalo ga­mit ang bi­lis na 1:31 mu­la sa kuwartos na 12’, 24, 26, at 28.

 

vuukle comment

ANG HEART SUMMER

CARMONA CA

GAME CHANGER

HANDICAP RACE

ISA PA ISA PA

JEFF ZA

PENRITH

POSSE LEFT

SHY

SWEET MIND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with