^

PM Sports

Phl baseball team hindi pa nabubuo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinagpaliban ng Phi­lip­pine Amateur Baseball Association ang pag­hahayag ng mga local pla­yers na isasama sa ko­ponan na sasabak sa World Baseball Classic qua­lifiers.

Sinabi ni PABA secretary general Thomas Na­vasero na ilan sa mga mi­yembro ng National team ay kasalukuyan pang nag­babakasyon.

Kabuuang 14 local pla­yers mula sa National squad na nag-uwi ng gold me­dal sa 2011 Southeast Asian Games ang ibibilang sa tropang ilalahok sa World Baseball Classic qualifiers.

Nakatakda ang torneo sa Nobyembre 15-18 sa New Taipei City.

Ang koponan ay sasa­mahan din ng 14 Fil-Fo­reign players na galing sa US Major at Minor Lea­gues.

Ang sinumang player na may dugong Pinoy, may­­roon man o wala si­yang ha­wak na Philippine pass­port ay maaa­ring ma­­pasama sa koponang ka­­­kampanya sa nasabing World Base­ball Classic.

Ang Major League Baseball ang siyang ga­gas­tos para sa kanilang mga makukuhang players sa Philippine team.

Kabilang sa mga tutulong sa koponan ay sina two-time World Series cham­pion Tim Lincecum ng San Francisco Giants, dating San Francisco Giant Gino Espineli, Fil-Ja­panese pitcher Ryuya Oga­wa at Leighton Michael Pangilinan ng Chi­ca­go White Sox minor lea­gue system.

Hinihintay pa kung ma­kakapaglaro si Lincecum para sa bansa, habang nauna nang umatras si New York Yankees reliever Clay Rapada dahil sa komplikasyon sa iskedyul.

 

vuukle comment

AMATEUR BASEBALL ASSOCIATION

ANG MAJOR LEAGUE BASEBALL

CLAY RAPADA

LEIGHTON MICHAEL PANGILINAN

MINOR LEA

NEW TAIPEI CITY

NEW YORK YANKEES

RYUYA OGA

SHY

WORLD BASEBALL CLASSIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with