^

Bansa

Sa pag-rape sa Australyana: ‘Dapat mayor ang mauna’ - Duterte

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umani ng batikos mula sa mga netizen si Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos gawing katatawanan ang isang babaeng Australian na nabiktima ng panggagahasa.

Tinutukoy nila ang isang video na inilagay sa YouTube noong Abril 16 kung saan mapapanood si Duterte na nagsasabing “Ni-rape nila lahat ng babae...So ang unang casualty, ang isa dun yung lay minister na Australyana. Tsk, problema ito. Austral­yana eh! Pag labas, binalot. Tiningnan ko yung mukha. P****a, parang artista sa Amerika na maganda. P****a, sayang ito! Ang pumasok sa isip ko...ni rape nila! Pinagpilahan nila! P****a ‘yan, nagalit na ako. Kasi ni rape? Ah, oo. Isa na rin yun. Napakaganda, dapat mayor muna ang mauna.” Nagtawanan ang mga taong nakikinig sa kanyang biro.

Ipinaliwanag ng mga netizen na sensitibo at hindi dapat ginagawang katatawanan ang isyu ng panggagahasa.

“Joke or not this is unacceptable,” sabi sa isang komento.

“My God! Walang respeto sa ating mga babae,” sabi naman ng isa pang komentarista.

Pinahahanga ni Du­terte ang kanyang mga fans sa kanyang mga kuwento ng sex and violence sa kanyang mga campaign sorties.

Sa isa pang video na napanood sa YouTube noong April 12, 2016, kinutya ni Duterte ang kanyang kasambahay na umano’y kanyang minolestiya nang maraming beses.

Inamin ni Duterte na babaero siya. Bukod sa kanyang asawa ay mayroon siyang dalawang nobya.

Binatikos din ang alkalde sa pakikipagharutan sa mga babae sa harapan ng publiko at hinahalikan pa ang mga ito sa mga okasyon.

Nang hingan ng komen­to hinggil sa kanyang ugali sa harap ng publiko na ayon sa mga kritiko ay mali, sinagot umano ni Duterte, “Sino iyang mga taong nagsasabi nyan? Patayin ko!”

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with