Hiyasmin (190)

“Ano yun, Hiyasmin?’’ tanong ni Nanay Julia na may pagkabahala. May problema si Hiyasmin?

“Puwede pong sa kuwarto ko tayo mag-usap?’’

“Oo. Halika sa kuwarto mo.’’

Tinungo nila ang ku­warto.

Naupo si Nanay Julia sa silyang plastic. Si Hiyasmin naman ay sa isa pang silya na katabi ng matanda.

“Huwag kang ma­­gagalit Nanay kung ngayon ko lang ito sa­­sabihin sana ay ma­una­waan mo ako.”

“Oo. Mauunawaan kita. Ano ba yun?’’

“Hindi po ako totoong umuupa rito sa bahay Nanay. Pina­tira po ako rito ni Dax habang pinag-aaral niya.’’

Nakatitig lamang si Nanay na parang naguguluhan pa sa sinabi ni Hiyasmin.

“Nakiusap po ako noon kay Dax na papasok na maid niya para ako makapag-aral pero tumanggi po siya. Sa halip po, nag-offer siya na pag-aralin na lamang ako. Nang magkaproblema ako sa amin dahil sa kagagawan ng stepfather ko, naki­usap ako kay Dax na patirahin ako rito. Pumayag siya.’’

Napatangu-tango ang matanda.

Napangiti.

“Ano naman ang mali roon? Nakakahanga ka nga at gumawa ka ng paraan para makapag-aral. Hindi ka nahiyang makiusap. Naka­kabilib ka, Hiyasmin!”

Napaiyak si Hiyasmin sa sinabi ng matanda.

(Itutuloy)

Show comments