Hiyasmin (190)
“Ano yun, Hiyasmin?’’ tanong ni Nanay Julia na may pagkabahala. May problema si Hiyasmin?
“Puwede pong sa kuwarto ko tayo mag-usap?’’
“Oo. Halika sa kuwarto mo.’’
Tinungo nila ang kuwarto.
Naupo si Nanay Julia sa silyang plastic. Si Hiyasmin naman ay sa isa pang silya na katabi ng matanda.
“Huwag kang magagalit Nanay kung ngayon ko lang ito sasabihin sana ay maunawaan mo ako.”
“Oo. Mauunawaan kita. Ano ba yun?’’
“Hindi po ako totoong umuupa rito sa bahay Nanay. Pinatira po ako rito ni Dax habang pinag-aaral niya.’’
Nakatitig lamang si Nanay na parang naguguluhan pa sa sinabi ni Hiyasmin.
“Nakiusap po ako noon kay Dax na papasok na maid niya para ako makapag-aral pero tumanggi po siya. Sa halip po, nag-offer siya na pag-aralin na lamang ako. Nang magkaproblema ako sa amin dahil sa kagagawan ng stepfather ko, nakiusap ako kay Dax na patirahin ako rito. Pumayag siya.’’
Napatangu-tango ang matanda.
Napangiti.
“Ano naman ang mali roon? Nakakahanga ka nga at gumawa ka ng paraan para makapag-aral. Hindi ka nahiyang makiusap. Nakakabilib ka, Hiyasmin!”
Napaiyak si Hiyasmin sa sinabi ng matanda.
(Itutuloy)
- Latest