Hiyasmin (182)

Hindi mapakali si Hiyasmin sa sinabi ni Dax na pupunta uli ito sa room niya mamayang gabi at mayroon daw nakalimutang sabihin. Hindi tuloy siya nakapag-concentrate sa trabaho at yun ang inisip. Ano kaya ang nakalimutang sabihin sa kanya?

Sabagay, napansin niyang hindi na nahihiya si Dax at maluwag nang na­ihahayag ang mga nais sabihin.

Baka isasaayos ang pag­tatapat sa kanya. Hindi siguro nasiyahan sa paraan ng pagtatapat.

Kailangan lamang pala ay pagbantaan si Dax na hindi niya kakausapin para mapuwersang magsalita. Kung hindi niya ginawa iyon ay baka tiyope pa rin at walang masabi sa kanya.

Kung yun ang sasabihin sa kanya ni Dax, baka sagutin na niya ito—hindi na niya pahihirapan.

Mahal naman talaga niya si Dax at ayaw niyang magtagal pa ang paghihintay nito.

 

Kinagabihan, nagpaganda si Hiyasmin. Kung ano ang ginawa niyang pagpapaganda nang magtungo si Dax ng nakaraang gabi, mas nagpaganda pa siya. Mas manipis ang isi­nuot niyang pantulog—halos aninag na ang “kaluluwa” niya. Tingnan lang niya kung hindi mapansin ni Dax ang kariktan na nasa harapan.

Nagpabango siya.

Gusto niya masamyo ni Dax ang bango niya. Yung hindi na nito nanaisin pang lumabas sa kuwarto.

Napangiti Hiyasmin pag­katapos.

Naalala niya ang sinabi ni Nanay Julia: “Ikaw na ang bahala kay Dax, Hiyasmin.”

Gusto ni Nanay Julia, siya na ang gumawa ng first move!

Nang mag-alas onse ng gabi, hindi na mapakali si Hiyasmin.

Hanggang may kumatok­ sa pinto.

Tiyak na si Dax na ang kumakatok!

(Itutuloy)

Show comments