Hiyasmin (180)

“PERO Nanay, parang naaawa ako kay Sir Dax,’’ sabi ni Hiyasmin pagkaraan.

“Bakit naman?”

“Kasi parang umaasa na siya na sasagutin ko rin ka­gabi. Parang nalungkot siya lalo nang aalis na.’’

“Hayaan mo. Tama naman ang ginawa mo, Hiyasmin. Mabuti nga yung medyo maghintay siya. Kasi kung sasagutin mo agad ay parang napakabilis naman ng pangyayari.’’

“Yun nga po ang naisip ko Nanay kaya hindi ko agad sinagot si Sir Dax.’’

“Tama yun. Huwag kang makonsensiya.’’

“Kasi ang iniisip ko rin Nanay, para maging kapana-panabik ang lahat—yung pareho kami na­sasabik.’’

“Oo nga, Hiyasmin. Tama ka sa ginawa mo. Basta ako, laging nasa likod mo.’’

“Pero alam mo Nanay, kaga­bing nagtungo siya sa room ko, nagsuot ako nang manipis na pantulog. Kasi, naisip ko, kung hindi pa siya magta­tapat, e ako na ang gagawa ng unang hakbang. Pero nagtapat din. Talagang nag­handa ako Nanay.’’

“Pilya ka talaga, ha-ha-ha!’’

Tumigil ang dalawa sa pagkukuwentuhan nang ma­pansin nilang palapit si Dax.

“Saka na tayo mag-usap, Hiyasmin.”

“Opo Nanay.’’

“Sige, kumain na kayo ng almusal ni Dax at papasok pa kayo sa opis.’’

Nang nasa Grab taxi na ang dalawa, nagtanong si Dax kay Hiyasmin.

“Nakita ko kayo ni Nanay na nag-uusap kanina, sinabi mo ba ang nangyari kagabi?”

“Hindi.’’

“Salamat at hindi mo sinabi.’’

Itutuloy

Show comments