Hiyasmin(168)
Urong-sulong si Dax sa sasabihin kay Hiyasmin. Namamayani ang kanyang pagkadungo. Hindi niya kayang ihayag kay Hiyasmin ang nasasaloob. Ito ang malaking problema niya—torpe siya. Ang nasasaisip niya, mabibigo siya.
“S-saka ko na lang sasabihin, Hiyasmin. M-matulog ka na. Mapupuyat ka. May pasok pa bukas. Salamat.’’
“Puyat na ako bakit hindi mo pa sabihin. Makikinig ako.’’
“Sa ibang araw na lang Hiyasmin. Lalabas na ako.”
“Kailan mo sasabihin?’’
“B-bahala na Hiyasmin.”
“Sige, bahala ka.’’
“L-lalabas na ako!’’
“Talagang ayaw mong sabihin ngayon?
“S-sa ibang araw na lang.’’
“Sige. Hihintayin ko ang sasabihin mo.”
Tumayo si Dax at marahang lumabas ng kuwarto ni Hiyasmin.
Napangiti naman si Hiyasmin nang makalabas ng kanyang kuwarto si Dax. Halos alam na niya kung ano ang sasabihin ni Dax.
Kinabukasan, maagang bumangon para magluto ng almusal si Hiyasmin. Pero nasa kusina na si Nanay Julia at nagluluto.
“Good morning Nanay. Ako na po ang magluluto.’’
“Tapos na, Hiyasmin. Ito na lang itlog ang niluluto ko.’’
“Ako na po. Gusto po ni Sir Dax ay malasadong itlog.’’
Hinayaan ni Nanay Julia si Hiyasmin.
Maya-maya, nagtanong si Nanay Julia.
“Anong nangyari sa inyo kagabi ni Dax, Hiyasmin?’’
Nagtaka si Hiyasmin. Bakit alam ni Nanay na nagtungo sa silid niya si Dax?
(Itutuloy)
- Latest