Hiyasmin (167)

ISINARA ni Hiyasmin ang pinto.

Naupo naman si Dax sa silya na ginagamit ni Hiyasmin kapag nagme-makeup.

Naupo si Hiyasmin sa gilid ng kama. Humalukipkip siya dahil wala siyang bra. Baka masilip ni Dax ang itinatago niya kahit dalawang beses na nitong nakita—una ay noong naliligo siya sa banyo na bigla itong pumasok at ikalawa ay noong pumasok dito sa kuwarto at naaktuhan siyang natutulog na naka-panty lang.

“Ano ba ang sasabihin mo, Sir Dax?’’

“Yun nga gusto kong mag-sorry dahil sa mga sinumbong ko kay Nanay na natutulog kang nakapanty at yung iba pa na ramdam ko e nalilito ka dahil sa mga matalinhaga kong pananalita.’’

“Okey na naman sa akin yung pagsusumbong mo kay Nanay na natutulog akong naka-panty. Walang pro­blema roon. Mabuti nga at pinuna mo dahil natuto ako. Hindi na ako natutulog na naka-panty lang—nakapadyama na.’’

“Oo nga napansin ko. At saka nakasara na ang pinto. Wala nang ma­kakapasok na magnanakaw.’’

“So ang sabihin mo na lang ngayon ay yung mga matatalinhaga mong pana­nalita na naguguluhan ako—hindi ko ganap­ na mahukay ang ibig mong sabihin.’’

“Kung sabihin ko kaya sa iyo ang kahulugan ng mga matatalinhagang salita na yun e matuwa ka kaya o magagalit?’’

“E paano ko masasabi kung hindi mo ipagtatapat? Dapat sabihin mo na ngayon.’’

“E kuwan, p-parang hindi ko yata m-masasabi, Hiyasmin.’’

“E paano yan? Akala ko ba kaya ka nagtungo rito e para sabihin ang ka­hulugan ng mga salita mong malalalim.’’

“Oo nga pero nahihiya akong magsabi—hindi ko alam kung bakit.’’

“Ano ba yun?”

“Hindi ka magagalit Hiyasmin?’’

“Depende sa sasabihin.’’

“Baka magalit ka kung sabihin kong…’’

“Ano?’’

Itutuloy

Show comments