^

True Confessions

Hiyasmin (166)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGTAKA si Hiyasmin kung sino ang kuma­katok sa pinto. Mahina ang pagkatok sa pinto na parang nag-aalangan.

Baka si Nanay Julia?

Baka gustong makipagkuwentuhan?

Dama ni Hiyasmin na gustung-gustong makipagkuwentuhan sa kanya ang matanda—type na type siyang kausap.

Siguro ay hindi makatulog kaya pinuntahan siya.

Binuksan niya ang pinto.

Nagulat siya sapagkat hindi si Nanay Julia ang nakatayo sa may pinto kundi si Dax.

“Sorry Hiyasmin!”

“Bakit Sir Dax?’’

“Sa pagkatok ko.’’

“May kailangan ka Sir Dax?’’

“Magso-sorry lang.’’

“Saan?’’

“Sa mga si­nabi ko kay Nanay na sinabi naman pala sa’yo. Akala ko hindi sasabihin.’’

“Okey lang naman yun, Sir Dax.’’

“At sa mga iba ko pang na­sabi na nagdu­dulot sa iyo ng mga pagkalito. Nara­ramdaman ko kasi nitong mga nakaraang araw na nalilito ka sa mga sinasabi ko.’’

“Tulad ng ano?’’

Napakamot sa ulo si Dax.

“Puwede bang pumasok para diyan ko sa loob masabi. Marami akong sasa­bihin.’’

Nag-isip si Hiyasmin. Pa­papasukin ba niya?

Nag-aalala kasi siya na baka makita ni Nanay Julia kung papasukin niya si Dax. Baka kung ano ang isipin sa kanya lalo’t sa kalaliman ng gabi. Kahit na ba may inamin na siya sa matanda ukol sa nararamdaman kay Dax, hindi maganda na papasukin niya ito sa kuwarto.

“Kung puwede lang. Mahalaga kasing masabi ko.”

Nagpasya si Hiyasmin.

“Halika.’’

“Salamat.’’

Pumasok si Dax.

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with