^

True Confessions

Hiyasmin (164)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANONG ibig mong sabihin, Sir Dax?’’ tanong ni Hiyasmin na tila naguguluhan. Ilang beses na siyang nag-iisip sa mga sinasagot sa kanya ni Dax. Hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi nito o hindi.

“Gusto ka sigurong ma­ging manugang,’’ sagot uli ni Dax.

“Paano?’’

Hindi na nasagot ni Dax ang tanong ni Hiyasmin sapagkat tinawag ito ni Nanay Julia.

“Hiyasmin halika at itu­turo ko sa’yo ang paggawa ng Bistik Tagalog. Madali lang ito.’’

“Opo Nanay sandali po,’’ sagot niya at saglit na tumingin kay Dax. Iniwan na niya si Dax at nagtungo sa kusina.

“Ano po yan, Nanay?’’

“Bistik Tagalog.’’

“Ay gusto kong matutuhan ‘yan, Nanay. Paano po ang paggawa?’’

Itinuro ng matanda ang paggawa ng Bistik Tagalog.

Nang matapos ang pagtuturo, pasimpleng nag­tanong si Nanay kay Hiyasmin.

“Ano ang tinanong sa’yo ni Dax? Nakita ko kinaka­usap ka kanina.’’

“’Yun pong pinag-usapan natin kagabi. Binu­king ko ang pagkukuwento niya sa iyo na naka-panty lang ako sa pagtulog. Sabi ko bakit kinuwento pa niya sa iyo.’’

“Hindi naman nagalit?’’

“Hindi naman po.’’

“Buti naman. Basta tayong dalawa lang ang nakakaalam ng pinag-usapan natin Hiyasmin. Basta natutuwa ako na may gusto ka kay Dax. Gusto kitang maging manugang.’’

KINAGABIHAN, hindi ma­katulog si Hiyasmin. Sana hindi muna niya sinabi kay Nanay Julia na may pagtingin siya kay Dax.

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with