Hiyasmin (138)

“SIYANGA pala, Hiyasmin, sinabi mo na ba sa mama mo, na magkakatrabaho ka na. Ibalita mo sa kanya,’’ sabi ni Dax.

“Hindi ko pa ibinabalita sa kanya Sir Dax. Ikaw pa lang ang nakakaalam na may trabaho na ako.’’

“Ibalita mo sa kanya. Masisiyahan yun. At sa unang suweldo mo, bigyan mo siya ng pera. Kahit hindi yun nagsasalita, naghihintay din yun. Yan ang ma­ipapayo ko sa’yo. Kahit pa anong sabihin, ina mo pa rin siya.’’

“Opo Sir Dax. Gagawin ko ang payo mo.’’

“Hindi naman natin alam kung ano ang pinagdara­anan ng mama mo ngayon. Mula nang madiskubre natin ang pambababae ng stepfather mo, feel ko, pasan ng mama mo ang daigdig sa rami ng problema. Sa tipo ng step­father mo, nasa kanya na lahat­ ang bisyo. Kaya nga bina­balikan ko ang tagpo na humihingi ka sa akin ng tulong para maging maid dito—tama ang desisyon mo na umalis sa bahay ng stepfather mo. Napakatalinong desisyon. At naisip ko rin, kaya siguro hindi ka pinakikialaman ng mama mo, dahil alam niya na mahusay kang magdesisyon. May tiwala siya sa iyo.’’

“Palagay ko nga rin, Sir Dax.’’

“Kaya gaya ng sinabi ko, ibalita mo sa kanya na mayroon ka nang maayos na trabaho. At sa unang su­weldo, bigyan mo siya. Ma­tutuwa tiyak ang mama mo.’’

Tumango si Hiyasmin.

UNANG araw sa trabaho ni Hiyasmin. Sabay silang pumasok ni Dax. Nag-taxi sila.

“Mamayang hapon, sabay din tayong uuwi, Hiyasmin.’’

“Opo Sir Dax.’’

Itutuloy

Show comments