Hiyasmin (134)

NAPANSIN ni Dax na nakatingin sa kanya si Hiyasmin.

“Bakit ka nakatingin­ sa akin, Hiyasmin?’’ tanong nito na nakangiti.

“Ha? A e wala Sir Dax. Napatingin lang.’’

“Akala ko mayroon kang iniisip sa akin, ha-ha-ha!’’

“Ano naman ang iisi­pin ko?’’

“Baka iniisip mo na ba­wiin ang pinangakong dito titira ngayong naka-gra­duate ka na?’”

“Ay hindi po! May ma­gagalit sa akin kapag ginawa ko iyon.”

“Sinong magagalit?”

“Si Nanay Julia!’’

“A oo, narinig ko ang usapan n’yo.’’

“Kaya hindi iyon ang dahilan kaya ako napati­ngin sa iyo Sir Dax.’’

“E ano nga ang dahilan?’’

“Hindi ka magagalit Sir Dax sa itatanong ko?’’

“Ba’t naman ako maga­galit? Ano ba ‘yun?’’

“Kaya ako napatingin­ sa’yo kanina ay dahil gusto kong itanong kung mayroon kang nililigawan. Mula kasi nang tumira ako rito e wala akong napapansin na kinakausap ka sa cell phone o kaya ay naikukuwento sa akin na mayroon kang gf. O baka tahimik ka lang pero mayroon pala.’’

Nagtawa si Dax.

“A ‘yun pala ang dahilan kaya ka napatingin sa akin. Akala ko pa naman ay kung ano na ang naiisip mo sa akin.’’

“‘Yun lang ang dahilan Sir Dax,’’

“Wala akong nililigawan.’’

“Bakit?’’

“Bakit nga ba?”

“Bakit wala ka pang gf?’’

Napabuntunghininga si Dax.

Naghihintay si Hiyasmin ng sagot.

Itutuloy

Show comments