Hiyasmin (132)
“IBIG mong sabihin, Hiyasmin, kung manliligaw sa iyo si Dax, maaaring mangyari ang sinasabi ko na maging manugang kita?” tanong ni Nanay Julia.
“Opo, Nanay,’’ matatag at seryosong sagot ni Hiyasmin.
“Magugustuhan mo siya?’’
“Hindi naman po mahirap mahalin ang lalaking katulad ni Sir Dax. Ang problema po, baka hindi niya ako gusto.’’
Nag-isip si Nanay Julia. May katwiran si Hiyasmin. Madaling ibigin ang kanyang anak pero sigurado bang umiibig din ito kay Hiyasmin.
“Tama ka Hiyasmin, dapat parehong may pag-ibig sa isa’t isa.’’
“Nanay, huwag mo pong masasabi kay Sir Dax ang mga sinabi ko.’’
“A, hindi. Tayong dalawa lang ang nakaaalam nun Hiyasmin.’’
“Salamat Nanay.’’
Hindi agad nakatulog si Hiyasmin ng gabing iyon. Iniisip niya ang mga sinabi kay Nanay Julia ukol kay Dax.
Itutuloy
- Latest