^

True Confessions

Hiyasmin (131)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

HINDI inaasahan ni Hi­yasmin ang sinabi ng nanay ni Dax. Deretsa­han na sinabi sa kanya na gusto siya nitong maging manugang. Sa boses ng matanda ay talagang seryoso ito sa mga sinabi.

“Gusto mo akong maging manugang Nanay?’’ na­ita­nong ni Hiyasmin bilang pagtiyak sa sinabi ng ma­tanda.

“Oo. Gusto kita para kay Dax.’’

Napangiti si Hiyasmin. Talagang gustung-gusto siya ng matanda. Masyadong nahulog ang loob nito sa kanya.

“Pasensiya ka na Hiyas­min sa pagkaprangka ko —ganito talaga ako—sina­sabi ang gusto.’’

“Wala kang dapat ala­lahanin Nanay. Nauuna­waan po kita.’’

“Salamat at nauuna­waan mo ako.’’

“Mahal kita Nanay kaya lagi kitang mauunawaan.’’

“Napakabait mo talaga, Hiyasmin.’’

“Kasi po, napakabait n’yo sa akin.’’

Niyakap ng matanda si Hiyasmin.

“Sana, maging manugang kita, Hiyasmin,” bulong nito.

“Mangyayari po yun kung may gagawin si Sir Dax—kung manliligaw siya.’’

Napatingin ang matanda kay Hiyasmin. Walang kurap.

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with