Hiyasmin (123)
SOBRA lang talagang mabait si Sir Dax, naisip ni Hiyasmin. Sana lahat nang lalaki ay katulad niya, naisip pa niya. Kung lahat nang lalaki ay katulad ni Sir Dax, maraming babae ang maligaya sa buhay.
At saka naisip niya ang kanyang father-in-law niya na bukod sa babaero ay may pagkamanyakis pa. Kung hindi siguro siya nakaalis sa bahay nito ay baka nabiktima siya. Halos araw-araw ay binobosohan siya. Masyado na ang pagnanasa sa kanya ng manyakis. Baka naghihintay lang ng tamang pagkakataon at saka siya papasukin sa banyo. Baka tutukan siya ng baril o kutsilyo at saka idaraos ang kamanyakan. Kung sisigaw siya ay baka tuluyan siyang patayin. Marami nang pangyayari na ginagahasa ng father-in-law ang anak na babae ng ka-live-in. Kung hindi siya nagpilit umalis sa bahay nito, maaring naluray na siya ng manyakis.
Salamat at nakilala niya ang mabait na si Sir Dax. Nakaligtas siya sa kampon ng demonyo!
Paano kaya kung hindi niya nakilala si Sir Dax? Nasaan kaya siya ngayon? Baka nagtatrabaho pa siya sa pabrika ng Intsik na nagnanasa rin sa katawan niya.
Siguro, itinuro talaga sa kanya ng Diyos na sa kalye nina Sir Dax magdaan ng araw na nawala ang kanyang company ID. At sa mismong tapat ng gate pa ng bahay ni Sir Dax nalaglag. At walang ibang nakapulot. Talagang may paraan ang Diyos para makilala niya si Sir Dax na nagligtas sa kanya sa panganib at ngayon ay napagtapos siya sa pag-aaral.
Salamat Sir Dax! Naibulong ni Hiyasmin at mapayapa at mahimbing siyang nakatulog.
ISANG umaga na nasa kusina at may ginagawa si Hiyasmin, nilapitan siya ni Dax. Parang may mahalagang sasabihin sa kanya.
“May sasabihin lang sana ako Hiyasmin.’’
“Ano ‘yun Sir Dax?’’
“Sana kahit makatapos ka na sa pag-aaral huwag ka munang umalis dito.’’
Nagulat si Hiyasmin. Di ba’t nakapagpasya na nga siya na hindi muna aalis dito?
“Hindi naman talaga ako aalis dito, Sir Dax.’’
Lumiwanag ang mukha ni Dax.
Itutuloy
- Latest