Hiyasmin (120)

“Di ganun ang mag­siyota, memorable ang lugar kung saan sila kumain nung magsiyota sila,’’ sabi pa ni Dax kay Hiyasmin habang palabas sila ng restawran.

“E hindi naman tayo magsiyota, ha-ha-ha!’’

“A basta kakain uli tayo sa restawran na ito!’’

“Bahala ka!’’

“Malay mo, sundan uli tayo ng classmate mong patay na patay sa’yo, ha-ha-ha!’’

“Hindi na ‘yun susu­nod dahil nakita niyang magkatabi tayo sa upuan —nakumpirma niyang magsiyota tayo.’’

“Pero bago umalis e isang malutong na ‘sir’ ang tinawag sa akin.’’

Napahalakhak si Hiyasmin.

Isang taxi ang kina­wayan ni Dax. Luma­pit sa kanila at nagpahatid sila sa bahay.

 

Kinabukasan, nang papasok si Dax sa opis, nagpaalam siya kay Hiyasmin.

“Papasok na ako sa opis.’”

“Ingat ka Sir Dax.”

“Anong pasalubong ang gusto mo?”

“Ha? A e…”

(Itutuloy)

Show comments