“NATATANDAAN mo pa ba Sir Dax ang classmate kong lalaki na bumati sa akin sa restaurant nung isang gabi?’’ tanong ni Hiyasmin.
“Oo. Yung sabi ko na may crush sa iyo? Ano ang tungkol dun?”
“Kaninang umaga, nakasabay ko siya sa pagpasok sa gate at habang naglalakad ay nagkukuwentuhan kami. Marami siyang tinanong na sinasagot ko naman nang maayos. Ang huling tinanong niya ang nagulat ako at kakaiba ang naisagot ko”
“Anong tinanong?’’
“Tinanong kung ano raw kita.”
“Anong sagot mo?”
“Sabi ko boyfriend kita.”
“Bakit mo naman naisagot yun?”
“Malaki ang kutob ko na may gusto sa akin ang lalaking yun kaya para hindi ako kulitin ay sinabi kong BF kita.”
Napangiti si Dax.
“E naniwala naman kaya?”
“Ito nga po ang siste. Tinanong ako at nagtataka dahil alangan daw yata ang edad mo sa akin.’’
“Sinabi yun? Ibig sabihin, gurang ako.”
“Hindi naman po siguro gurang pero sa tingin niya ay mas matanda ka kaysa akin.”
“Oo nga—ganundin yun. Para akong Kuya mo.’’
“Hindi raw siya naniniwala.”
“Anong sabi mo?’’
“Sabi ko, kung ayaw niyang maniwala e di huwag.’’
“Sa palagay mo kukulitin ka pa niya after malaman na siyota mo ako?’’
“Hindi ko masabi Sir Dax—kasi may pagkamayabang eh.’’
“Teka, bakit naman bigla kang umayaw sa restaurant na kinainan natin last time —dun sa kinakitaan sa atin ng classmate mo?’’
“Kasi nag-aalala ako na baka makita niya uli tayo roon.”
“E paano kung narito pala siya—baka dito tayo makita?”
Itutuloy