Hiyasmin (110)

HABANG pa­labas ng gate si Hiyasmin ay nakangiti siya. Napakabait at napaka-gentleman ni Sir Dax. Sana lahat nang lalaki ay katulad ni Sir Dax!

Maski nang nakasakay na siya sa jeepney ay si Dax pa rin ang naiisip ni Hiyasmin. Kapag naka-gra­duate siya at nakapagtrabaho, siya naman­ ang maglilibre kay Sir Dax. Pa­kakaiinin niya ito sa sikat na restaurant. ‘Yun man lang ay ma­kaganti siya. Kahit linggu-linggo ay ililibre niya ito. Paborito ni Sir Dax ang seafoods at fried chicken kaya dadalhin niya sa restaurant na ‘yun ang specialty.

Sana makahanap na agad siya ng trabaho pagka-graduate para matupad ang plano niya. Siguro, magugulat si Sir Dax kapag niyaya niyang kumain. Baka hindi makapagsalita sa sobrang gulat.

Bigla rin namang naisip ni Hiyasmin na hindi agad siya aalis sa bahay kahit na may trabaho na siya. Kawawa naman si Sir Dax kung mag-iisa sa bahay. Isa pa, nasanay na rin si Sir Dax na may nagluluto ng almusal at hapunan.

Kung aalis siya, sino ang magluluto at maglilinis ng bahay? Sino rin ang maglalaba sa damit ni Sir Dax?

Buo na ang pasya ni Hiyasmin na hindi agad aalis sa bahay kahit may trabaho na siya. Hindi niya basta maiiwan si Sir Dax.

Pagbaba niya si jeep­ney, nakita niya ang classmate na lalaki. Ito ‘yung bumati sa kanya sa restaurant habang kumakain sila ni Sir Dax sa restaurant.

“Hi Hiyasmin!’’ bati ng lalaki.

Tumango lang si Hiyasmin.

Itutuloy

Show comments