Hiyasmin (103)

“SA susunod kapag naliligo ka o anumang ginagawa sa banyo, lagi mong isara ang pinto,’’ sabing naninermon ni Dax.

“Opo Sir Dax.’’

“Lagi kasi akong dyumidyinggel kapag alas kuwatro o alas singko ng madaling araw. At hindi ko akalain na naliligo ka pala.’’

“Hindi na po kasi ako makatulog at naaalinsa­nganan ako kaya naisipan kong mag-shower.’’

“Baka naman ganyan ka maligo nung nakatira ka pa sa inyo kaya nagkainteres ang iyong stepfather na silipan ka?”

“Ay hindi po, Sir Dax. Laging naka-lock ang pinto ng banyo kapag naliligo ako noon sa banyo. Hindi ko kinalilimutang ikandado dahil alam ko nga na may pagka-manyakis.’’
“Basta lagi mong ikakandado ang pinto ng banyo kapag maliligo ka. Mabuti na ang safe. Hindi lahat nang oras ay masasabi mong ligtas. Meron ngang pangyayari na may nakapasok na lalaki sa bahay na ang tangka lamang ay magnakaw pero nang makita na may babaing naliligo sa banyo, nireyp ito. Hindi kasi naka-lock ang pinto kaya nakapasok ang rapist.’’

“Nakakatakot naman ang kuwento mo Sir Dax.’’

“Totoong pangyayari ‘yun. Hindi nga lang dito sa Pinas nangyari kundi sa U.S. pero posibleng mangyari kung hindi mag-iingat ang mga babae habang naliligo. Kaya ang payo ko, mag-lock ka lagi ng pinto.’’

“Opo.’’

“Bakit nga ba ang aga mong maligo?’’

“Hindi nga po ako maka­tulog at naaalin­sanganan din.”

“Bakit? Hindi ka ba gumagamit ng aircon?”

“Hindi po.’’

“Bakit?’”

“Para po makatipid sa kuryente.’’

“Mag-aircon ka—huwag mong problemahin ang pagbabayad sa kuryente.’’
Tumango si Hiyasmin.

Maya-maya nagtanong si Hiyasmin.

“Kakain ka na po ba ng almusal Sir Dax?’’

“Sige kumain na tayo.”

Naghain si Hiyasmin.

Pinagmamasdan ni Dax si Hiyasmin habang naghahain. Ang ganda talaga ni Hiyasmin!

Itutuloy

Show comments