^

True Confessions

Hiyasmin (87)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Saan ka natutong magluto ng binakol. Hiyasmin?’’ tanong ng nanay ni Dax habang pinapanood si Hiyasmin sa pagluluto.

“Sa mama ko po at ang ilan naman ay napanood ko sa YouTube,” sabi ni Hiyasmin at naidasal na sana ay huwag nang magtanong sa mama niya.  Baka mahirapan siyang sagutin.

“Sanay na sanay kang magluto—talo mo pa yata ako.’’

“Hindi naman po nanay—kaunti lang po alam ko at hindi pa rin gaanong sanay.’’

“Suwerte ang mapapangasawa mo—maganda ka na ay maga­ling at masarap pang magluto.’’
Ngumiti lamang si Hiyasmin at ipinagpatuloy ang pagtitimpla sa binakol. Inilagay niya ang hiwa-hiwang green papaya.

“May nobyo ka na ba Hiyasmin?”

“Naku wala po Nanay!’”

“Talaga?”

“Opo!’’

“Ang ganda-ganda mo e!’’

“Wala po talaga. At okey lang po na wala dahil priorities ko ang study.’’
“Ay oo. Huwag ka munang magpapaligaw. Kapag nakatapos at may trabaho na saka magpaligaw.’’

“Oo nga po.’’

“Kasi ang mga kabataan ngayon, atat na mag-asawa. Akala yata ay masarap ang mag-asawa nang maaga.’’

Napatango si Hiyasmin.

“Anong edad mo balak mag-asawa?’’

“Siguro po mga 30-anyos—nakahanda na ako nun.’’

Napatingin nang walang kakurap-kurap si Nanay kay Hiyasmin. May iniisip at tila may kinukuwenta.

“Bakit po Nanay?’’

“Ha? A e wala naman. May naisip lang akong bigla.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with