^

True Confessions

Hiyasmin (86)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANG bait mo Nanay,’’ sabi ni Hiyasmin habang yakap ang nanay ni Dax.

“Mabait ka rin sa akin, Hiyasmin. Natutuwa ako sa mga taong tulad mo.’’

“Salamat po uli Nanay.’’

“Siyanga pala, hindi ka ba tinataasan ni Dax sa renta ng kuwarto mo?”

“Ay hindi po. Natakot po yata sa iyo Nanay.’’

Nagtawa ang nanay.

“Masunurin yun. Yan ang gusto ko kay Dax, mabait at masunurin. Hindi yan nagrereklamo kahit nagbu­bunganga ako. Maski ang isa kong anak e mabait din.’’

“Mana po siguro kay Tatay na walang imik.”

“Tahimik pero nasa loob ang kulo!’’

Napahagikgik si Hiyasmin.

“Siyanga po pala Nanay, ano ang gusto mong iluto ko sa’yo para sa lunch?”

“Magluluto ka? Wala ka bang pasok sa school?”

“Sabado ngayon Nanay. Wala akong pasok.”

“Ganun ba? E ano ba ang ulam mong lulutuin?’’

“Meron pong manok diyan? Gusto mo po ba ng binakol?”

“Binakol? Ano yun?”

“Tinolang manok po na ang sabaw e buko juice.”

“Aba mukhang masa­rap yun ah. Sige yun ang lutuin mo.’’

“Sige po. Bibili lang ako ng buko sa kanto.’’

Umalis si Hiyasmin at pagbalik ay may dala ng sabaw ng buko.

Inumpisahan niya ang pagluluto ng binakol habang nakatingin ang nanay ni Dax.

 (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with