Hiyasmin (83)

KINABUKASAN, habang nag-aal­musal, tinanong ni Dax si Hiyasmin.

“Kapag nakatapos ka na ng course mo o pag-aaral, aalis ka na rito, Hiyasmin?’’

Hindi inaasahan ni Hiyasmin ang tanong kaya hindi agad naka­sagot.

“A e… hindi po Sir Dax. Siyempre maghahanap muna ako ng trabaho. Kapag naka­kita na ako ng trabaho saka lang ako aalis.’’

“E kung dito ka na lang tumira kahit may trabaho ka na?’’

“Sobra nang pang-aabuso ko yan, Sir Dax.’’

“Sisingilin naman kita sa renta—pero ma­liit lang. Di ba sabi ng nanay ko, huwag daw kitang tataa­san at sesermunan ako.’’

Napangiti si Hiyasmin.

“Sabi nga po ni Nanay, kagagalitan ka. Kailan uli pupunta rito sina Nanay, Sir Dax?’’

“Hindi ko alam—nag­ti-text yun kapag darating.’’

“Nasisiyahan akong kausap si Nanay—pala­gay ang loob ko.’’

“Madali kang nakasundo ni Nanay kahit may pagkaistrikta.’’

“Wala naman akong napansin na istrikta siya Sir Dax.”

“Istrikta yun—gusto laging perpekto ang gina­gawa.’’

“Parang hindi po.’’

“Ah basta may pagkaistrikta yun.’’

“Sana pumunta uli sila rito.’’

“Teka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko—dito ka pa ba titira kahit maka-graduate ka na?’’

“Sige po Sir Dax—kung yan ang gusto mo.’’

Napangiti si Dax.

Nasisiyahan siya sa sinabi ni Hiyasmin.

Itutuloy

Show comments