Hiyasmin (81)

Kinabukasan nang papasok na si Hiyasmin sa school, nagsabi ito kay Dax na gagabihin sa pag-uwi.

“Magre-research po ako sa library, Sir Dax. Baka alas otso ng gabi ako makauwi.’’

“Sige, mag-ingat ka sa pag-uwi. Kung may problema, tawagan mo lang ako.’’

“Opo.’’

“Pero dito ka kakain?”

“Sa school canteen na po ako kakain.”

“Okey. Mabuti at sinabi mo. Sa canteen na rin sa opis ako kakain.”

Nagpaalam na si Hiyasmin.

Pero nang lalabas na ito sa gate ay tinawag ni Dax.

“Halika Hiyasmin.”

Lumapit si Hiyas­min.

“Bakit po?’’

Dumukot sa bulsa­ si Dax. Iniabot ang P1,000 kay Hiyasmin.

“Para sa pagkain mo.’’

“Salamat po. Aalis na po ako.’’

Napatango si Dax at inihatid ng tingin si Hiyasmin hanggang makalabas ito ng gate.

Napangiti si Dax pagkaraan.

Hindi niya malaman kung bakit masaya siya kapag nabibigyan ng pera si Hiyasmin. Parang nagampanan niya ang mahalagang tungkulin kay Hiyasmin.

(Itutuloy)

Show comments