Hiyasmin (79)

Pinili ni Dax ang mesa na malapit sa counter. Lumapit ang lalaking crew at iniabot ang menu lists. Iniwaan sila pagkatapos.

“Try natin ang fried chicken nila. Tingnan natin kung masarap talaga, okey lang sa’yo, Hiyasmin.’’
“Opo Sir Dax.”

“Order din tayo ng chopsuey at lumpiang shanghai. Ikaw Hiyasmin, ano pa gusto mo?’’
“Okey na sa akin ang sinabi mo Sir Dax. Ang drinks ko ay sago.’’

“Okey.’’

Sinenyasan ni Dax ang crew. Mabilis na lumapit ang crew at sinabi ni Dax ang mga order.

Nang makaalis ang crew, saka naalala ni Dax na gusto pala niya ay fried rice with garlic.

Tinawag uli ang crew at pinapalitan ang plain rice na unang inorder.

“Mas gusto mo ang fried rice Sir Dax?’’

“Oo. Masarap sa fried chicken at chopsuey.”

Napangiti si Hiyasmin.

“Ako, mas masarap ang fried rice sa umaga,’’ sabi nito.

“Weird ba ako, ha-ha-ha!’’

“Hindi naman Sir Dax.”

“Kita ko sa ngiti mo na weird ako.’’

Nagtawa si Hiyasmin.

“Hindi Sir Dax.’’

“Huwag kang magsisinungaling at nakita ko sa ngiti mo kanina.’’

“Hindi nga po.’’

Nagtawanan sila.

Makalipas ang 15 minutes, dumating ang order nila.

Agad pumiraso ng fried chicken si Dax. Tinikman.

“Masarap!’’

Tinikman din ni Hiyasmin.

“Masarap nga po.’’

(Itutuloy)

Show comments