^

True Confessions

Hiyasmin (70)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pagkaraan ng isang linggo ay nagpaalam na ang nanay at tatay ni Dax. Uuwi na sila sa Fairvew.

“Babalik kami next month,’’ sabi ng nanay.

“Bakit naman nagmamadali kayo sa pag-uwi, Nanay?” tanong ni Dax.

“Walang kasama ang kapatid mo. Nakakaawa naman kung nag-iisa.”

“Para namang bata ‘yun. Dito muna kayo, Nanay, Tatay.’’

“Babalik nga kami next month. Pagbalik namin e magtatagal kami. Isa pa wala akong baon na damit. Pang-isang linggo lang ang dala namin ng tatay mo.’’

“Puwede namang bumili ng damit kung ‘yun lang ang problema.’’

“Basta uuwi muna kami ngayon at babalik sa isang buwan,’’ sabi ng nanay na parang naiinis kay Dax.

“Sige hindi kayo mapi­gil eh.’’

Nagpalinga-linga ang nanay. May hinahanap.

“Nasan si Hiyasmin? Magpapaalam lang ako.’’

“Nag-aaral—nasa kuwarto niya.’’

Eksakto namang luma­bas si Hiyasmin.

Nagpaalam si Nanay.

“Aalis na kami, Hiyasmin.’’

“Kailan po kayo babalik, Nanay?’’

“Sa isang buwan.’’

“Mag-ingat po kayo ni Tatay.’’

“Ikaw na ang bahala kay Dax ha?’’

Napatingin si Hiyasmin kay Dax.

(Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with