^

True Confessions

Hiyasmin (66)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

PINUNASAN ng nanay ni Dax ang mesa. Nagpatuloy naman si Hiyasmin sa paghuhugas ng pinggan at mga baso.

Pagkatapos maghugas, inihanda niya ang rice cooker at nagsaing. Pagkatapos ay inihanda ang mga gagamitin sa sinigang na bangus.

“Ikaw ba ang laging nagluluto at naghuhugas ng pinggan, Hiyasmin?’’ tanong ng nanay ni Dax makaraang punasan ang mesa.

“Opo Nanay. Mula nang maging boarder ako rito, ako na ang nagluluto para sa hapunan at naghuhugas na rin ng pinggan.’’

“Hindi naman kaya talo ka sa binabayad mo kay Dax. Ikaw pala ang nagluluto at naghuhugas pa.’’

“Okey lang po yun. Nakakasawa rin po kasi ang mga binibiling pagkain. Merong hindi masarap.’’

“Sabagay nga.’’

“Sabi po ni Sir Dax e paglabas ko ng school at may madaanan akong palengke e bumili ako ng aming uulamin sa hapunan. Kaya ganun ang ginagawa ko. Kung minsan, sinigang na baboy ang niluluto ko.’’

“Pero binibigyan ka naman ni Dax ng perang ­pamalengke?’’

“Opo.’’

“Akala ko sariling pera mo ang pinamamalengke.’’

“Hindi po.’’

“Sabi ni Dax ay taga-Laguna ka raw.”

Nag-isip si Hiyasmin. ­Hindi niya alam na iyon pala ang sinabi ni Dax sa ina.

“Opo.’’

“At may lahi ka palang Arabyana, sabi ni Dax.’’

“Opo. Ang tatay ko po ay Kuwaiti.’’

“Kaya pala ang ganda mo.”

“Hindi naman po.’’

“Gandang-ganda ako sa’yo.’’

“Salamat po Nanay.’’

“Sana….’’

Pero hindi naituloy ng matanda ang sasabihin dahil dumating si Dax.

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with