“BAKIT babae?” urira ng nanay ni Dax nang malaman na babae ang boarder niya.
“Ano namang masama kung babae?’’
“Wala naman kaya lang e di ba dapat lalaki?
Bahagyang nagtawa si Dax.
“At saka di ba nga gusto mo ay sarili lang ang bahay kaya nga nagpilit bumili ng sarili kahit maliit dito sa Sampaloc.’’
“Gusto kong kumita kahit paano, Nanay.’’
“Kinukulang ka ba sa suweldo mo?’”
“Hindi naman. Basta naisip kong magpa-board para kumita at may pambayad sa Meralco at tubig.’’
Hindi na nagsalita ang nanay niya.
Ang tatay naman niya ang nag-usisa.
“Paano ang pagkain ng boarder? Ikaw ang nagluluto o yung boarder?”
“Yung boarder siyempre.’’
“Ba’t naman iisa ang boarder—sana ginawa mong dalawa.’’
“Baka nga gawin kong dalawa—sayang din ang upa.’’
“Oo dalawahin mo. Pero kasya ba sa room?’’
“Paghahatiin ko ang room.’’
“Nandiyan ba ang boarder mo?’’
“Nandyan—nag-aaral. Estudyante kasi.’’
Maya-maya, lumabas sa room si Hiyasmin. Nag-good morning sa dalawang matanda. Napanganga ang mag-asawa.
Itutuloy