Hiyasmin (56)

Pumasok na sa school si Hiyasmin. Pero bago umalis, ipinagluto muna ng pagkain si Dax at ini­handa ang iinuming gamot. Inihanda rin ang damit na pambahay na susuutin.

“Sige na, Hiyasmin, pumasok ka na at baka ka ma-late. Ako na ang bahala, kaya ko na ang lahat. Salamat.’’

“Huwag mong kalimu­tan ang pag-inom ng gamot Sir Dax. Para tuluy-tuloy na ang paggaling mo.’’

“Okey.’’

Umalis na si Hiyasmin.

Nang makaalis si Hiyasmin ay nananatili sa pag­kakahiga si Dax.

Maaasahan talaga si Hiyasmin. Hindi siya nagkamali sa pagpapaaral at pagpapatira sa kanyang bahay. Bihira ang ganitong tao na maaasahan, mapagkakatiwalaan at higit sa lahat, hindi nang-iiwan at handang tumulong.

Masarap palang may kasama sa bahay na katulad ni Hiyasmin. Nasira ang kanyang dating plano na mag-isa sa mga ginawa ni Hiyasmin.

Binalikan niya ang pag-aasikaso sa kanya ni Hiyasmin habang nilalagnat siya. Ipinagluto siya nang mainit na sabaw at tinutukan ang pagpapainom ng gamot. Napaka-responsible na babae! Bukod doon ay masipag at matiyaga!

Parang hindi na niya kaya na walang kasama sa bahay. Gusto na niyang ka­sama si Hiyasmin.

(Itutuloy)

Show comments