Hiyasmin (48)

“DI ba sinabi ko sa iyo noon na kaya ako bumukod ng tirahan sa aking mga magulang ay dahil gusto kong mag-isang mamuhay. Yung malaya akong makakakilos, walang nag-uutos at pumupuna at iba pa. Pero mula nang tu­mira ka rito, masarap palang may kasama sa bahay. Masaya pala, ha-ha-ha!’’ sabi ni Dax.

“Nahihiya nga ako nun nang magsabi sa iyo na dito na ako titira. Alam ko naman na mas type mong mag-isa sa buhay pero wala po talaga akong ibang tao na mapagkakatiwalaan tulad mo.’’

“Kaya nga tinanggap na kita dahil naawa na ako sa iyo. Baka mapahamak ka kung sa bahay ng stepfather mo ikaw patuloy na tumira. Makokonsensiya ako.”

“Kaya nga po nang pu­mayag ka na dito ako tumira, masayang-masaya ako. Alam ko na nakatagpo ako ng mabuti at mapagkakatiwalaang tao.’’

“Magpasalamat ka sa ID mo. Kung hindi nalaglag ang ID, baka wala ka rito. Nasaan ka kaya?’’

“Hindi ko po alam kung saan ako mapapadpad.”

“Nasan na nga pala ang ID mo?’’

“Itinago ko po.’’

“Tama. Itago mo at pagdating ng araw, maaalala mo ang nangyari dahil sa ID.’’

Tumango si Hiyasmin.

KINABUKASAN, nagpaalam si Hiyasmin na papasok na sa school.

“Aalis na po ako, Sir Dax.”

“Sige Hiyasmin. Ingat.’’

Tumalikod na si Hiyasmin.

Pero tinawag uli niya ito.

“Sandali Hiyasmin.’’

Itutuloy

Show comments