Hiyasmin (47)

“SINABI mo ba sa iyong mama ang mga nangyaring sexual attempt sa iyo ng mga boss mo?’’ tanong ni Dax kay Hiyasmin.

“Hindi ko na po sinabi dahil wala rin namang ma­gagawa. Kung yun ngang ginagawang pamboboso ng kanyang asawa sa akin ay wala siyang magawa, yun pa kayang sa mga man­yakis sa pinagtatrabahuhan ko. Sinarili ko na lang at ako na ang nag-iingat.’’

“Pagkatapos ng huling insidente, naisip mo bang mag-aplay muli ng trabaho kahit marami nang sexual attempt na nangyari?’’

“Opo. Kaya nga po, pilit kong hinanap ang ID ko dahil kailangan ko bilang requirements. Pero nakabuti na nalaglag sa akin ang ID at ikaw po ang nakapulot.’’

“Kung hindi kaya ako ang nakapulot, ano kayang sitwasyon mo ngayon? May trabaho ka na kaya ulit?’’

“Baka po meron at manyakis uli ang supervisor.’’

Ba­hagyang nagtawa si Dax.

“Mabuti na nga lang po talaga at ikaw ang naka­pulot, Sir Dax. Sinuwerte ako!’’

“Pero alam mo, Hiyasmin, ni sa panaginip hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin na may makakasama akong babae sa bahay…’’

Itutuloy

Show comments