“NAGTRABAHO ako para suportahan ang aking pag-aaral. Pumasok ako sa isang pabrika ng Intsik na gumagawa ng mga sitsirya, sitsaron, mani at iba pa. Hindi maganda ang environment pero pinagtiyagaan ko para makapagpatuloy sa pag-aaral. Sabi ko sa sarili, matitiis ko ang hirap sa pagtatrabaho pero hindi ang ginagawa ng stepfather kong manyakis.
“Pero maski sa pinagtatrabahuhan ko ay mayroon ding mga gutom na aso na naglalaway sa katawan ko.
Minsan, ipinatawag ako ng superbisor na Tsinoy sa room nito. May edad na ang Tsinoy. Pagpasok ko pa lang sa room ay hinahagod na ang katawan ko. Tinanong kung magkano ang sinusuweldo ko. Sinabi ko. Sunod na tanong ay gusto ko raw bang madoble ang sahod ko. Hindi ako sumagot.
“Sumunod na sinabi ay madodoble raw ang sahod ko kung ipakikita ko ang boobs ko. Saglit lang daw kong ipakita ang aking boobs at madodoble na ang sahod ko.
“Gumapang ang takot sa buong katawan ko. Manyakis din pala ang Tsinoy. Kaya pala ganun na lamang kung hagurin ng tingin ang katawan ko.
“Humirit pa ang Tsinoy, ililipat din daw ako ng department kapag ipinakita ko ang aking boobs. Kung anu-ano pa ang pinangako niya.”
(Itutuloy)