Hiyasmin (41)

“UNA kong naramdaman ang paninilip­ ng aking stepfather noong ako ay nasa second year high school. Nagsasabon ako ng katawan nang ma­ramdaman kong may ka­luskos sa labas ng pinto. Hindi ko pinansin at naisip ko na baka may lumala­kad lang patungong kusina. Nagpatuloy ako sa pagsasabon ng katawan.

“Nang mga sumunod na umaga ay kakaiba na ang mga nararamdaman ko sa kabila ng pinto. May naririnig na akong ungol at hi­ngasing na parang gigil na gigil. Nagmamadali akong nagbanlaw at nagbalot ng tuwalya. Biglang nawala ang ungol at hingasing sa labas. Natahimik.

“Sumunod na umaga ay ganun naman ang aking naririnig sa labas ng pinto. Parang gigil na gigil ang nasa labas ng pinto at parang may ginagawang kakaiba habang pinanonood ako sa paliligo.”

“Laging ganoon ang na­papakiramdaman ko tuwing umaga. Hindi na ako nakatiis at sinabi kay Mama. Pero walang ma­gawa si Mama. Hindi niya kayang kumprontahin ang asawa. Takot siya.”

“Nagpatuloy pa ang ginagawa ng aking stepfather na paninilip tuwing ako ay nasa banyo at nali­ligo. Nahuli ko siya isang umaga!”

Itutuloy

Show comments